Friday, October 27, 2006

25: Mga akdang tinalakay sa pandayang Naratibo

Marso 11, 2006 ang petsa na maituturing na unang paglayag ng Palihang Naratibo. Ito ang unang palihan magmula nang pormal na itinatag ang Naratibo ng mga magkakaibigang manunulat na sina Honorio Bartolome de Dios (Nori), Jose Franciso B. Victoriano (Ian), Reagan Maiquez, Marco V. Lopez (Marx), Melanie Manlogon-Victoriano, Rowena Festin (Wena), Anna Maria Gonzales at Enrique Nunez (Ricky).

Tatlong akda ang isinalang sa pandayan noong araw na iyon. Ito ay ang "Salamin" at "Alitaptap" -- dalawang dagling inakda ni Ian Victoriano -- at ang "Planetang Androvf-ho", isang ginagawang nobela ni Reagan Maiquez. Dito rin unang sinubukan ang isang metodo ng pag-aaral ng mga akda na ginagamit ng Naratibo -- ang SPEAKING -- na ayon sa pagpapakilala na ibinigay ni Reagan, ay halaw sa gawa ni Dell Hymes.

Si Reagan ang unang Naradriver -- bansag ng Naratibo sa tagapagpadaloy ng talakayan; si Melanie naman ang unang Narascribe -- documentor, sa mga taga-Naratibo. Ang mga dumalo sa unang palihang iyon ay sina Joseph Arevalo, Nori, Ian, Melanie, Marx, Reagan at Wena.

Walong buwan pagkaraan ng unang palihan, natutuwa akong ibalita sa lahat ng interesado at ipaalala rin sa mga miyembro ng komunidad ng Naratibo -- o Naratribo, di kaya ay Naratribe, sa mga kasapi nito -- na umabot na sa 25 ang mga akdang naisalang sa pandayan ng Naratibo ngayong taong 2006.

Ang mga pamagat, may-akda at petsa ng palihan ng mga gawang ito ay ang sumusunod:

"Salamin" ni Ian Victoriano (11 Marso)
"Alitaptap" ni Ian Victoriano (11 Marso)
"Planetang Androvf-ho" ni Reagan Maiquez (11 Marso)
"Lifer" by Anna Maria Gonzales (18 March)
"Sentry" by Melanie Manlogon-Victoriano (01 April)
"Paru-parong Bahaghari" ni Bernadette Neri (01 Abril)
"Ang Lihim na Macarena ni Mulan Weybi" ni Noah Maranan (22 Abril)
"Photo Album" ni Rowena Festin (22 Abril)
"Mga Fortuna" ni Dennis Andrew Aguinaldo (06 Mayo)
"Sa MRT" ni Honorio Bartolome de Dios (06 Mayo)
"Lakbay-Langit" ni Noah Maranan (06 Mayo)
"Ang Paglalakbay sa Loob at Labas ng Utak ni Romero Marquez: Isang Kuwento" ni Reagan Maiquez (02 Hunyo)
"Pasakalye" (unang kabanata) ni Luna Sicat-Cleto (17 Hunyo)
"Sphinx" ni Roy Cuesta (01 Hulyo)
"Criminal" by Louie Navarro (01 July)
"Isang Pagsasanay sa Paggawa ng Palitong Bahay" ni Joseph Arevalo (15 Hulyo)
"Kapatawaran" ni Ian Victoriano (15 Hulyo)
"Pag-uwi" ni Rowena Festin (29 Hulyo)
(untitled) ni Bernadette Neri (29 Hulyo)
"Ang Gagamba ni Tata Rung" ni Dennis Andrew Aguinaldo (12 Agosto)
"Tanaw Ko na ang Santan ni Inang" ni Emmanuel Dumlao (26 Agosto)
"Paputian ng Laba" ni Allan Derain (09 Setyembre)
"Hinaing ng Isang Inaping Matsing" ni Joseph Arevalo (09 Setyembre)
"Tannery" by Joel Gaviola (21 October)
"Ang Munting Banal na Aklat ng mga Munti" ni Allan Derain (21 Oktubre)

Habang sumusuporta sa kanilang mga kapwa-manunulat sa Naratibo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga komento sa mga akda tuwing palihan, bawat kasapi ay abala rin sa kani-kanilang pagsulat. Pangarap ng lahat sa Naratibo na balang araw ay maipalimbag ang mga karapat-dapat na akda.